^

Bansa

41 top wanted kriminal nalipol

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umaabot sa 41 top wanted na kriminal mula sa mga organisadong grupo sa bansa ang nali­pol sa puspusang anti-criminality operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa iba’t-ibang bahagi ng bansa nitong Hulyo, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ipinalabas na accomplishment report kahapon, sinabi ni PNP –CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao kabilang dito ay ang mga nasakoteng miyembro ng mga lokal na teroristang Abu Sayyaf Group na sina Jumli Orie Manjurie alyas Salam at Ahmad Asanin alyas Abu Arsad.

Gayundin ang mga suspek na sina Dexon Saptula alyas Rene Matuti at PO1 Abbey So­ lai­man Guiadem na sangkot sa karumaldumal na Ma­guindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Ma­guindanao na ikinasawi ng 57 katao, 32 rito ay mediamen.

Samantalang sa kabuuang 320 most wanted na kriminal, 123 rito ang nalipol ng PNP-CIDG ope­ ratives na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng may 45 sari-saring uri ng mga baril at 1,343 mga bala.

Binigyang diin ni Pagdilao na nakapokus ang kanilang operasyon laban sa mga organisadong grupong kriminal o mga gangs, mga wanted sa batas at pagrekober ng mga loose firearms para matiyak na magi­ging malinis at mapayapa ang isasagawang mid term elections sa susunod na taon.

Idinagdag pa ng opis­yal na malaki ang naitulong ng mga Criminal Investigation Service (CIS) volunteers at mga tipster sa pagkakalipol laban sa naturang mga wanted sa batas.

ABBEY SO

ABU ARSAD

ABU SAYYAF GROUP

AHMAD ASANIN

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION SERVICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with