^

Bansa

Cambodian envoy sinibak!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinanggal at pinababalik ng pamahalaang Cambodia sa kanilang bansa ang kanilang Ambassador sa Manila dahil sa mga lantarang pagbanat nito laban sa Aquino admi­nistration hinggil sa usa­pin ng territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa pulong balitaan sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng umaga,  sinabi ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na ni-recall ng Cambodian Foreign Ministry si Cambodian Ambassador to Manila Hos Sereythonh matapos na maghain ng dalawang magkasunod na diplomatic protest ang DFA laban sa Cambodia dahil sa masamang pahayag ng Ambassador laban sa Pilipinas na nailathala sa dalawang malaking pahayagan may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sinabi ni Hernandez na nakatanggap ng magkahiwalay na note verbale ang Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh noong nakaraang linggo at  ang DFA kamakalawa mula sa Cambodian Foreign Ministry na nagsasabing ni-recall na si Hos at papalitan ng bagong envoy.

Bagaman sinasa­bing may isang taon pa ang nalalabi kay Hos para sa 3-taong termino nito bilang Cambodian ambassador sa Manila ay napaaga ang pag-alis nito sa hindi tinukoy na dahilan ng Cambodian Foreign Ministry.

Sinabi ni Hernandez na prerogative ng Cambodia na magtanggal at maglagay ng kanilang envoy sa Pilipinas.

Isang babaeng career ambassador ang sinasabing maaaring pumalit kay Hos.

Magugunita na nagsimula ang patutsada ni Hos laban sa Pilipinas matapos na tahasang kondenahin ng pamahalaan ang ginawang pagharang ng Cambodia na hindi mailagay sa “joint communiqué” ng katatapos na ASEAN ministerial meeting sa Phnom Penh noong nakalipas na buwan ang usapin sa  territorial dispute sa Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at China.

Nabigo ang ASEAN na magpalabas ng joint communiqué dahil sa pagmamatigas at posisyon ng Cambodia na hindi dapat maisama sa joint statement ng ASEAN ang naturang usapin.

Ang Cambodia ay kilalang kaalyado ng China na umano’y pinangakuan ng maraming pondo at proyekto ng China kapalit ng pagharang sa nasabing pagpapalabas ng joint communique.

ANG CAMBODIA

CAMBODIAN AMBASSADOR

CAMBODIAN FOREIGN MINISTRY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS

HERNANDEZ

MANILA HOS SEREYTHONH

PHNOM PENH

PILIPINAS

RAUL HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with