^

Bansa

'Calamity fund unahin sa RH bill'

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Haharangin ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang anumang deliberasyon ng Kamara na may kinalaman sa Reproductive Health (RH) bill.

Giit ni Golez, sa halip na pag-aksayahan ng panahon ng mga mambabatas ang RH bill, mas marapat umano na pagtuunan na lamang ng mga ito kung paano paaangatin ang calamity fund na ilalabas ng gobyerno tuwing sasapit ang mga kalamidad. Mas kailangan umano ngayon ng gobyerno ang calamity funds para tustusan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng malawakang pagbaha lalo na sa Metro Manila.

Paliwanag pa ni Golez, hindi pa dapat ituloy ng Kamara ang period of amendments para sa RH bill hanggang hindi natatapos ang may kaugnayan sa calamity at economic development issues. Dahil dito, kaya’t nanawagan ang mambabatas, na magkaroon muna ng moratorium para sa floor deliberations ng RH bill hanggang katapusan ng Agosto at mag-concentrate muna sa Supplemental budget na siyang tutugon sa mga pangangailangan tuwing may kalamidad.

vuukle comment

AGOSTO

DAHIL

GIIT

GOLEZ

HAHARANGIN

KAMARA

METRO MANILA

PALIWANAG

REPRODUCTIVE HEALTH

ROILO GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with