^

Bansa

.5M Meralco customer walang kuryente

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mananatili pa ring madilim ang tahanan ng may kalahating milyon nilang kostumer bunsod ng patuloy pa ring pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at karatig probinsiya.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, External Communication chief ng Meralco, kabuuang 295,000 nilang kostumer sa National Capital Region at 205,000 sa mga probinsiya ng Cavite, Rizal at Bulacan ang pansamantala nilang pinutulan ng kuryente.

Sinabi ni Zaldarriaga, layunin nilang hindi makaaksidente sa mga binahang kostumer nila, kaya minabuti muna nilang patayin ang po­wer supply.

Tiniyak naman ni Zal­darriaga na agad nilang ibabalik ang supply ngkuryente sa oras na humupa ang baha at mainspeksiyon ng kanilang mga maintenance ang lahat ng kanilang mga facility.

Payo ng Meralco sa kanilang mga kostumer na pinasok ng baha ang kani-kanilang mga tahanan na siyasatin munang mabuti ang lahat ng electrical outlet bago muling gamitin upang hindi makadisgraya at pagmulan ng sunog.

“Bukod sa tubig ay pinapasok din ng putik at burak ang outlet ng kuryente na maaaring makadisgrasya sa miyembro ng pamilya, kaya kailangan ay i-check munang mabuti bago gamitin,” ani Zaldarriaga.

AYON

BUKOD

BULACAN

CAVITE

EXTERNAL COMMUNICATION

JOE ZALDARRIAGA

MERALCO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

ZALDARRIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with