^

Bansa

30 patay sa habagat

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 30 ka­tao ang naitalang nasawi habang mahigit na sa 1 milyon katao ang naapek­tuhan sa walang tigil na mga pag-ulan dulot ng southwest monsoon rains o hanging habagat sa bansa.

Sa pinagsamang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at lokal na pulisya kahapon, siyam ang nasawi sa landslide sa Bayanihan Road, Brgy. Litex, Quezon City kamakalawa; isang 9-anyos na nakuryente sa Pampanga;  isang nalunod sa Zambales, 2 ang nalunod sa Tanauan City, Batangas at isa ring nalunod sa Caloocan City. Sampu naman ang kabuuang nasawi sa Bataan, Bulacan at Pampanga. Isang pasahero ang nasawi sa naaksidenteng jeepney sa Palanas, Masbate at isang nalunod sa Bued River sa Pangasinan. Apat din ang nasawi sa pagkalunod sa Alaminos at Pila, pawang sa Laguna.

Samantala, 1,230,813 milyon katao ang naapek­tuhan sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Mimaropa (Marinduque, Mindoro, Romblon at Palawan) at sa National Capital Region (NCR).

Simula nitong Martes ng gabi, 126 kalsada ang hindi madaanan sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Cordillera at NCR sanhi ng pagbaha.

Nagbukas naman ng gate ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at Magat dam habang ang La Mesa Dam naman sa Quezon City ay nananatiling umaapaw sa 80.41 metro, na mas mataas sa spilling level nitong 80.15 metro.

Apektado naman ng pagpapakawala ng tubig ang San Manuel, San Nicolas, Tayug, Sta Maris, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang sa Pangasinan at maging ang Ramon, San Mateo, Aurora, Cabanatuan, Luna, Reins, Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu sa Isabela; Norzagaray at Hagonoy sa Bulacan kung saan ay inalerto na ng NDRRMC ang mga residenteng naninirahan dito.

Sa Metro Manila na nagmistulang ‘waterworld‘ sa walang humpay na ma­lalakas na pag-ulan na nalagpasan na si Ondoy ay halos 90% ang lumubog sa baha.

Samantala bunga ng pagpapakawala ng tubig sa La Mesa dam sa Quezon City at pag-apaw ng Marikina River ay libu-libong mga residente ang naapektuhan.

Sa tala ng NDRRMC kabilang sa mga binayo ng southwest monsoon rains ay ang National Capital Region, Region I, III, IVA at IV B.

vuukle comment

BATANGAS

BAYANIHAN ROAD

BUED RIVER

BULACAN

CALABARZON

CALOOCAN CITY

CENTRAL LUZON

ILOCOS

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with