Sa mabagal na pag-usad ng FOI bill, House Information Committee, sinisi
Manila, Philippines - Sinisisi ng mga may akda ng Freedom of Information (FOI) bill ang chairman ng House Information Committee dahil sa ‘inuupuan’ umano nito ang nasabing panukala kaya’t nauudlot ang pag-usad nito sa plenaryo.
Ayon kay House Deputy Speaker Erin Tañada at Akbayan Rep. Walden Bello, apat na taon nang isinusulong ang FOI bill sa Kongreso at long overdue na ito.
Giit ng mga mambabatas, hinog na para sa botohan ang nasabing panukalang batas sapagkat na-trabaho na ng technical working groups ang consolidated version ng FOI bill kung saan nakapaloob pati ang posisyon ng Malacañang.
Matindi din ang pagkadismaya ni Tañada dahil mula noong Enero, isang beses lamang nagdaos ng hearing si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Information Committee tungkol sa panukalang batas.
- Latest
- Trending