^

Bansa

Apela ni Sec. De Lima, ibinasura ng IBP

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Ibinasura ng Integrated and Bar of the Philippines (IBP) ang lahat ng inihaing apela ni Justice Secretary Leila de Lima kaugnay ng tatlong ‘disbarment case’ na kinakaharap nito.

Sinabi ng IBP, ipagpapatuloy ang imbestigasyon sa disbarment case ni De Lima matapos na magdesisyon ang Board of Governors na ibasura ang motion for reconsideration na inihain ng kalihim.

Ipauubaya na lamang umano ng IBP sa Judicial and Bar Council (JBC) kung isasama pa nila ang pa­ngalan ni De Lima sa ihahaing shortlist na pagpipilian ni Pangulong Benigno Aquino III bilang susunod na Chief Justice.

Kahapon ay bumuo na rin ng panel ang JBC na magsasagawa ng imbestigasyon at pag-aaral sa mga kaso ng pagkansela ng lisensiya ni De Lima dahil sa tuwirang pambabastos sa kautusan ng Kataas-taasang Hukuman.

Samantala, ipinagpaliban kahapon ng JBC ang deliberasyon at botohan para sa pipiliing short list ng mga nominado bilang susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Gleoresty Guerra, spokesperson ng Supreme Court, ang botohan ay muling itinakda bukas araw ng Miyerkules, ganap na alas-11:00 ng umaga.

BAR OF THE PHILIPPINES

BOARD OF GOVERNORS

CHIEF JUSTICE

DE LIMA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PUNONG MAHISTRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with