Pangarap ng mga Pinoy na manirahan sa Canada, buhay pa
Manila, Philippines - Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga Pilipino na naghahangad ng permanent residency sa Canada para matupad ang kanilang pangarap, sa kabila ng pinagtibay na batas kamakailan na nagbibigay ng kapangyarihan sa Minister of Immigration na itigil na ang pagproseso at ibalik ang lahat ng mga naka-pending na Federal Skilled Workers’ (FSW) application na nai-file bago ang Pebrero 27, 2008.
Sa kabuuang 280,000 FSW applicants sa buong mundo, tinatayang 10% dito mula sa Pilipinas ay apektado ng nasabing radical na pagbabago sa Immigration rules ng Canada, ayon sa grupo ng mga abogado na handang humamon sa legalidad ng nasabing hakbang.
Ibinunyag ni Atty.Gerard Algarra ng Algarra Miranda & Giron Law Office, na isa sa mga kilalang Canadian Immigration lawyers na si Atty. Cecil Rotenberg ay pinagsama ang mga pinakamagaling na abogado sa Canada na siyang kakatawan sa korte para sa mga apektadong FSW applicants.
Ayon pa kay Algarra, ang grupo ni Atty. Rotenberg ay handang tumulong upang matupad ang pangarap ng FSW na mag-migrate sa Canada.
Pinapayuhan ni Algarra ang mga apektadong FSW na makipag-ugnayan sa law office sa nos. 565-7019/0919-2159361 at 0906-4273536 o mag- email sa [email protected] kung saan tuturuan sila ng tamang proseso ng paglaban sa korte sa ilalim ng regulasyon na ipinatupad ng panahong isinampa ang kanilang application para sa permanent residency.
- Latest
- Trending