^

Bansa

Mini-hydro electric power plant sisimulan

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pormal nang nagpirmahan ang National Irrigation Administration (NIA), Department of Energy (DOE) at ang pribadong kumpanyang JICA para pasimulan ang proyektong mini-hydro electric power plant sa mga irrigation system sa bansa.

Sinabi ni NIA Administrator Antonio Nangel, ang proyekto na nasa partnership ng DOE sa ilalim ni Kalihim Rene Almendras, JICA at NIA ay malaki ang maiaambag para makatulong sa krisis sa enerhiya sa bansa lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Nangel, sinimulan na ng JICA company ang feasibility study sa proyekto at pagkatapos ng anim na buwan ay isusumite sa DOE at NIA. Ipapasa rin ng JICA kung magkano ang aabuting gastos sa pagpapatayo ng mga mini-hydro electric power plant.

Magsisimula ang proyekto sa 2013 at inaasahang sa 2014 ang kuryente rito ay maari nang mapakinabangan.

ADMINISTRATOR ANTONIO NANGEL

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

IPAPASA

KALIHIM RENE ALMENDRAS

MAGSISIMULA

MINDANAO

NANGEL

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

PORMAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with