^

Bansa

Kita ng mga magsasaka mababawasan sa sin tax

Nina - Malou Escudero/Gemma Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malaki umano ang mawawala sa kita ng mga magsasaka ng tobacco sa sandaling pumasa ang panukalang batas na nag­lalayong itaas ang tax sa mga locally produced na sigarilyo at alak.

Umapela sa Senado ang Philippine Tobacco Growes Association (PTGA) upang tanggalin ang diumano’y anti-far­mer at anti-worker provisions sa excise tax bill sa tobacco at alcohol pro­ducts na ina­prubahan na sa House of Representatives noong nakaraang buwan.

Ayon sa grupo, maaapektuhan ang kabuhayan ng libo-libong factory workers na umaasa sa tobacco industry.

Ipinaliwanag ni Sa­turnino Distor, presidente ng PTGA na ang kanilang mga sinasakang tobacco ay binibili ng mga mala­laking manufacturers at maging ng mga maliliit na cigarette makers.

Ang napakataas na buwis na aabot umano sa 708 hanggang 1,000 porsiyento na ipapataw din sa mga mumurahing cigarette brands na ginagawa ng mga maliliit na manufacturers ay magiging daan upang magmahal ang presyo nito.

Nangangamba si Distor na wala ng tatangkilik sa kanilang mga produkto kung malaki ang itataas sa presyo nito.

Umapela rin maging ang mga manggagawa sa mga small cigarette manufacturers dahil sila umano ang unang tatamaan ng panukala.

Ayon kay Hilario Pun­zalan, presidente ng National Federation of Labor Unions (NAFLU) tiyak na marami ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara o lumiit ang produksiyon ng mga small cigarette manufacturers.

Sinabi rin ni Elvis Cam­pos, pinuno ng grupong Mamamayan Kilos, Alab ng Maralita, na maging mai­ngat ang Senado at suriing mabuti ang House Bill No. 5727 ni Rep. Joseph Emilio Abaya na umano’y magpapataw ng halos pitong dobleng buwis sa mumurahing si­garilyo, habang maliit lamang ang buwis sa mga produktong tinatangkilik ng mayayaman.

Giit ni Campos baga­mat maganda ang layunin ng panukala na ilaan ang bahagi ng buwis na makokolekta para sa dagdag na public services, marami pa umanong ibang paraan sa halip na gatasan ang mga maralitang kumukonsumo ng mumurahing alak at sigarilyo.

Paliwanag pa ni Cam­pos na maging ang maliliit na sari-sari store, mga “takatak boys” na nagtitinda ng sigarilyo sa mga lansa­ngan at maging ang mga manananim ng tabako ay lalong maghihirap kapag ipinasa ang kontra-mahirap na panukala ni Abaya at ng Department of Finance.

AYON

DEPARTMENT OF FINANCE

DISTOR

ELVIS CAM

HILARIO PUN

HOUSE BILL NO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOSEPH EMILIO ABAYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with