39 na patay kay 'Gener'
MANILA, Philippines - Lumobo na sa 39 katao ang bilang ng mga nasawi habang nasa mahigit P240 milyon naman ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong Gener sa mga naapektuhan nitong lugar sa siyam na rehiyon sa bansa.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, karamihan sa mga biktima ay nasawi sa pagkalunod at ang mga nadagdag sa talaan ay kinabibilangan ng 3 patay sa Malabon City, 3 sa Ilocos Sur, 2 sa Bataan, 2 sa Pampanga, 1 sa Occidental Mindoro, isa sa Meycauayan, Bulacan at isa rin sa Manila Bay.
Kabilang sa talaan ng 13 pang nasawi ay sina Angela Nicole Gregorio, Patricia Gregori at Elisa Mae Dolfino; pawang ng Malinta, Valenzuela City; Anthony Capsuyan, ng Tagudin, Ilocos Sur, Reynaldo Frio at Arlene Tinaza Paz, ng Sto. Domingo , Ilocos Sur; Crisanto Aguilar at Winnie Capiles, pawang ng Bataan; anim na buwang sanggol na si CJ Marco Carlos ng Obando, Bulacan; Hazel Mae Arpullos, of San Jose, Occidental Mindoro, Angel Ignacio ng Pampanga; Justine Francisco ng Meycauyan, at Jerome Orea ng Obando, Bulacan.
Sa Metro Manila pa lamang ay nasa 331,588 katao ang naapektuhan bukod pa sa 27 lalawigan sa Visayas at Luzon.
“This figure could go up further,” sabi ni Ramos.
Bagaman lumabas na ng bansa si Gener ay may papasok pang low pressure area (LPA) na siyang nagbubuhos ng mga pag-ulan sa maraming mga apektadong lugar.
- Latest
- Trending