Malacañang dumistansiya sa banta ng minority solons

MANILA, Philippines - Dumistansya ang Ma­lacañang sa planong pagsasampa ng kaso ng ilang minority congressmen kay Budget Sec. Florencio “Butch” Abad dahil sa pang-iipit umano nito ng priority development assistance fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi na muna sila magkokomento sa naturang usapin at ipapaubaya na lamang nila kay Abad ang pagsagot sa banta ng mga kongresista.

Unang sinabi ni House deputy minority leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na pag-aaralan nila ang paghahain ng pormal na reklamo laban kay Abad sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Sec. Abad na labas umano sa natu­rang usapin si Pangulong Aquino at sarili niyang desisyon ang hindi pagpapalabas ng pork barrel nina Magsaysay.

Gayunpaman, ayaw maniwala ang mga kritiko dahil hindi maaring walang alam o walang basbas ang Pangulo sa nasabing mahalagang usapin.

Show comments