^

Bansa

Escudero, Tupaz pwede nang bumoto sa JBC

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makakaboto na ng hiwalay sina Senador Francis Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa gagawing deliberasyon at botohan ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa susunod na Punong Mahis­trado ng Korte Suprema.

Sa katatapos na en banc session, nagpasya ang mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman na pansamantalang alisin ang probisyon na immediately executory ang kanilang desisyon sa Francisco Chavez case.

Matatandaan na sa Chavez case ay sinabi ng Supreme Court na isa lang ang dapat na kinatawan ng Kongreso sa JBC.

Kasabay nito, ipinagpaliban muna ng SC ang pagdedesisyon sa motion for reconsideration o apela ng Kongreso sa naturang petisyon.

Nabatid na posibleng hintayin muna ng mga mahistrado na makapagtalaga ng bagong Chief Justice si Pangulong Noynoy Aquino upang makasali na sa botohan ang mga justice na nag-inhibit dahil sa pagiging nominado.

Sa Lunes, Agosto 6, 2012 itinakda ang botohan ng JBC para sa isusumiteng shortlist o listahan ng mga hihirangin bilang Punong Mahistrado kay Pangulong Aquino.

Samantala, kinumpirma naman kahapon ni Escudero na dadalo na ito sa deliberasyon ng JBC. Pero agad ding nilinaw ni Escudero na bagaman at dadalo na siya sa JBC, susundin pa rin niya ang utos ni Senate President Juan Ponce Enrile sakaling pigilan siya.

Ipinaliwanag ni Escudero na maituturing na pansamantala lamang o interim ang ruling ng SC kaya patuloy pa ring igigiit ng dalawang kapulungan na dapat ay dalawa ang kanilang kinatawan sa JBC. (Doris Borja/Malou Escudero)

CHIEF JUSTICE

DORIS BORJA

FRANCISCO CHAVEZ

ILOILO REP

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MALOU ESCUDERO

NIEL TUPAS JR.

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with