Simbahan binira ni Ping sa RH bill
MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang disinformation campaign o maling impormasyon na ipinapakalat umano ng Simbahan laban sa Reproductive Health Bill.
Ayon kay Lacson, may kanya-kanyang opinyon naman tungkol sa kontrobersiyal na panukalang batas pero hindi umano dapat gamitin ang pulpito sa disinformation.
Mali umano ang sinasabi ng Simbahan tuwing Linggo na pinapayagan ang abortion sa RH Bill.
Alam naman umano ng lahat na hindi totoong pinapayagan ang abortion at nanatili itong illegal.
Idinagdag ni Lacson na masusi niyang pinag-aralan ang panukala at sa kaniyang pananaw ma halaga ang maternal health at ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pangangalanga sa isang ina lalo na kung ito ay nagbubuntis.
Naniniwala naman si Lacson na papasa sa Senado ang RH Bill.
Matatandaan na binawi ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang suporta sa RH bill bilang pagkampi umano kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
- Latest
- Trending