'Gener' humina, lalabas na

MANILA, Philippines - Patuloy ang paghina ng bagyong Gener habang ito ay papalayo sa ating bansa.

Kahapon alas-11 ng umaga, si Gener ay na­ mataan ng PAGASA sa layong 370 kilometro hilaga hilagang kanluran ng  Basco, Batanes taglay ang lakas ng ha­nging 120 kilometro ba­wat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 150 kilometro bawat oras.

Si Gener ay kumikilos hilaga hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Ngayong Biyernes, inaasahan na si Gener ay nasa layong 590 kilome­tro hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes at nasa labas na ng bansa.

Pinag-iibayo naman ng bagyong Gener ang habagat kaya’t patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan at katamtamang hangin sa buong Luzon at Western Visa­yas. 

Show comments