^

Bansa

PAGASA idinepensa ng Palasyo

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na walang ulong ‘gugulong’ sa PAGASA kahit umamin ito ng kanilang pagkukulang sa pagtataya ng panahon kung saan ay nagulantang na naman ang publiko sa biglaang pagbaha at pag-ulan noong Linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, gumagawa na ng paraan ang gobyerno upang lalong mapagbuti ng PAGASA ang kanilang trabaho tulad ng pagbili ng mga modernong equipment.

Magugunita na sinibak noon ni Pangulong Aquino si Frisco Nilo dahil sa pagkakamali nito sa pagtataya nila sa panahon kung saan ay nabigla din ang mamamayan sa malawakang pag-uulan na naging sanhi ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni Lacierda, walang magaganap na sibakan sa PAGASA bagkus ay inatasan ng Pangulo ang mga wea­thermen na lalong pagbutihin ang kanilang trabaho upang maging ‘real time’ ang update nito sa kalagayahan ng panahon.

FRISCO NILO

LACIERDA

LINGGO

MAGUGUNITA

MALACA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SINABI

SINIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with