Extra-judicial killing, dumarami
MANILA, Philippines - Hinikayat ng mga mambabatas ang pamahalaan na huwag balewalain ang patuloy na dumaraming kaso ng extra-judicial killings ng mga taong pinaghihinalaang kalaban ng estado.
Sa inihaing House Resolution 2543 nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez Jr., kailangan ng silipin ng kamara ang mga kasong nabanggit.
Nais ng magkapatid na Rodriguez na paharapin sa House Committee on Public Order and Safety ang mga kinatawan ng iba’t ibang Non-Government Organization (NGO) at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magkaroon ng malinaw na datus ng extra judicial killings at iba pang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
Hindi rin umano dapat ipagkibit-balikat lamang ito ng gobyerno dahil kahit ang ibang bansa tulad ng Estados Unidos ay nabahala na sa pagdami ng ganitong mga kaso sa bansa.
- Latest
- Trending