MANILA, Philippines - Umapela kay Pangulong Aquino ang isang Korean investor na mamagitan at paimbestigahan ang umano’y ‘predatory business practices’ ng isang global estate na umano’y lumabag sa kanilang contractual obligations matapos nilang makumpleto ang 72 room units condotel noong Hunyo 11 na umaabot sa P120 milyon sa isang resort sa Boracay island.
Ayon kay Korean architect Joohan Lee, chairman ng J Plus firm, ang naturang global estate firm ay lu-mabag sa kanilang joint venture agreement (JVA) na isa umanong hadlang sa kampanya ng pamahalaan na makahikayat ng mga foreign investors.
Batay sa complaint ng J Plus, namuhunan sila ng P120 milyon para sa pagpapagawa ng Villa Beatriz condotel na hindi maibenta dahil sa umano’y pagtanggi ng naturang global firm na makabitan ang mga ito ng kuryente at tubig samantalang pinapayagan naman umano sa ilalim ng joint venture agreement (JVA).
Tumatanggi din umano ang kumpanya na kilalanin ang mga condotel owners ng Villa Beatriz bilang miyembro na malinaw na paglabag sa kanilang contractual obligations. Nabatid na ginawa ng J Plus ang lahat ng paraan upang matapos at maayos ang usapin subalit wala umanong ginagawang aksyon ang global firm
Lumilitaw na patuloy ang pagbebenta umano ng kumpanya ng unexisting units at wala raw HLURB permit.