^

Bansa

Batangas collector kinalampag sa P1.4B excise tax

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinalampag ng isang whistleblower ang uma­no’y hindi pag-aksiyon ng Bureau of Customs sa Batangas kaugnay sa utang na buwis ng isang kumpanya.

Pinuna ni Dhess Aclan si Batangas Bureau of Customs District Collector Rene Buenavidez dahil umano sa pagkabigo na singilin ang may P1.4 bilyong utang na excise tax sa gobyerno ng isang oil firm sa 28 importasyon ng Alkylate.

Nauna nang sinampahan ng kaso ni Aclan sa Office of the Ombudsman noong May 16, 2012 sina Finance Secretary Cesar Purisi­ma, Customs Commissioner Ruffy Biazon at Buenavidez. 

Ayon kay Aclan, noong makarating sa kaalaman ni Biazon na kinasuhan niya ito ay saka lamang umaksiyon sa pamama­gitan ng pagpapadala ng memorandum kay Bue­­navidez kalakip ang sulat ni BIR Commis-sio­ner Kim Henares. Pero hanggang ngayon ay wala pa umanong aksiyon.

Aniya, kaya pala la­ging bagsak at hindi uma­abot sa target collection ang BOC ay may ki­nikilingan umano ang tatlong official sa panini­ngil at pangongolekta ng buwis sa mga importasyon na dumarating sa bansa.

Iginiit pa ni Aclan, hin­di magtatagumpay ang programang ‘tuwid na daan’ ni Pangulong Aqui­no kung tila tutulug-tulog sa pansitan ang mga opisyal at hindi ginagampanan ng tama ang kanilang trabaho.

ACLAN

BATANGAS BUREAU OF CUSTOMS DISTRICT COLLECTOR RENE BUENAVIDEZ

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DHESS ACLAN

FINANCE SECRETARY CESAR PURISI

KIM HENARES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with