^

Bansa

Tindahan ng helmet iikutan ng DTI

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makaraang mabigla sa dami ng motorcycle hel­met na nakalusot sa kanilang pagsusuri, mag-iikot na sa mga pamilihan ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) upang ma­tiyak na pawang may “ICC/PS mark” na ang mga itinitindang helmet.

Sinabi ni DTI Undersecretary Zenaida Mag­laya na sila na mismo ang mag-iinspeksyon sa mga ibinibentang helmet at maglalagay ng mga “import commodity clearance/product standards stickers” sa mga produktong mapapatunayan ni­lang orihinal at pumasa sa kanilang pamantayan.

Magpapaskil rin sila sa mga tindahan ng mga paalala kung anong mga uri at brand ng motorcycle helmet ang pumasa sa kanilang pamantayan at ligtas na gamitin.

Paraan rin umano nila ito para hindi na maloko ang mga motorcycle riders sa mga peke at mababang kalidad na mga helmet at umiwas na rin ang mga negosyante sa pagbebenta ng mga ito.

Bukod sa apat na sa­ngay nila sa Metro Ma­nila, magsagawa na rin ng inspeksyon at ICC marking sa mga helmet sa Rizal Memorial Stadium.

Pinalawig ng DTI ang inspeksyon at marking hanggang Disyem­bre 31 makaraang magulat sa dami ng helmet na walang ICC/markings na nakalusot sa kanilang pag­susuri base sa na­pa­­kahabang pila sa ka­­ni­lang mga sangay.

vuukle comment

BUKOD

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISYEM

HELMET

METRO MA

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SHY

ZENAIDA MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with