Cha-cha uupuan nina PNoy, JPE, SB

MANILA, Philippines - Makikipagpulong ngayon sa Malacañang si Pa­ngulong Aquino kina Senate President Juan Ponce Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. upang pag-usapan ang isinusulong ng 2 lider ng Kongreso na pag-amyenda sa Konstitusyon o Charter change.

“As I told House Speaker Belmonte, we have a meeting with President Aquino. Tatanungin namin ang thinking ng presidente sa proposal, but we will not tinker with the provision of 60-40 [ratio of local versus] foreign ownership; but we will ask to give Congress the flexibility to amend the Constitution,” wika ni Sen. Enrile.

Wala pang oras ang meeting pero nilinaw ni Enrile na kapag hindi pumayag si Pangulong Aquino sa posisyon ng Kongreso ay hindi na nila isusulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Idinagdag pa ni Enrile, hindi naman ang Kongreso ang magpapasya kung dapat amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution kundi ang mamamayan ang huhusga sa pamamagitan ng plebesito na puwedeng isabay sa 2013 elections.

“That requires only a resolution; we will pass the same resolution in the Senate with three-fourths votes; also in the House, and automatically it will be sent to the people in a plebiscite and the people will decide, not us,”  sabi pa ng pangulo ng Senado.

Show comments