DepEd pumalag kay Drilon
MANILA, Philippines - Walang ‘overprice’ sa construction ng mga classrooms sa bansa.
Ito ang nilinaw kahapon ni Education Secretary Armin Luistro, bunsod ng naging pahayag ni Senate Finance Committee chairman FranklinDrilon sa umano’y pagkakaroon ng mataas na ‘construction cost’ sa mga silid-aralan na ipinapatayo ng kagawaran.
Ayon sa Kalihim, mataas na ngayon ang presyo ng iba’t-ibang uri ng construction material, tulad ng semento, yero, hallow blocks, kahoy o tabla at iba uri ng materyales kaya umaabot sa P10,000 per square meter ang presyo at gagastusin sa bawat single unit na classroom na ipinapatayo ng DepEd.
Sinabi ni Luistro, ang tinutukoy ni Sen.Drilon na dapat ay P6,000 per square meter lamang ang gagastusin sa bawat classroom na ipatatayo ay presyo pa noong 2002.
Aniya, 10 taon na ang nakalilipas ang halaga ng tinutukoy ng Senador gayong hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na lahat ng bilihin ay tumaas ang presyo.
Gayunman ay sinabi ni Luistro na masusing minomonitor ng kanyang tanggapan ang lahat ng classroom building construction sa bansa upang matiyak na matibay ang mga ito at hindi nagkakaroon ng overpricing.
- Latest
- Trending