^

Bansa

GMA tatakbo ulit sa 2013

Nina Gemma Garcia at Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ikinokonsidera pa rin ni dating Pangulo at Pampanga Rep.Gloria Arroyo ang muling pagtakbo sa Kongreso sa 2013 mid-term elections.

Ito ang kinumpirma ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni Arroyo matapos ang mainit na pagtanggap ng mga “cabalen” ng dating pa­ngulo ng dumalaw ito sa kanyang mga kababayan sa Pampanga.

Mainit ang naging pagsalubong kay Arroyo ng mga kababayan nito sa Porac at sa hometown nito sa Lubao na nasa ikalawang distrito ng lalawigan.

Dahil dito kayat ayon kay Bautista-Horn ay mala­mang na muling tumakbo ang dating pangulo bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Sa kabila nito, limitado pa rin umano ang galaw ni Arroyo dahil kailangan pa rin nitong isuot ang kanyang neck brace.

Natapos ang hospital arrest ni Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong Miyerkules matapos itong payagang magpiyansa ng P1 milyon sa Pasay Regional Trial Court (RTC) para sa kasong electoral sabotage.

Aminado naman ang Malacanang na may karapatan pa rin ang da­ting pangulo na kumandidato sa 203 elections.

“Well, everybody is free to run in this country and that does not exclude the former President,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte.  

ABIGAIL VALTE

AMINADO

BAUTISTA-HORN

DAHIL

ELENA BAUTISTA-HORN

GLORIA ARROYO

PAMPANGA

PAMPANGA REP

PASAY REGIONAL TRIAL COURT

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with