Manila, Philippines - Tiniyak ng Judicial and Bar Council (JBC) na itutuloy nila sa Lunes ang botohan para sa pagbalangkas ng 20 nominado para maging susunod na chief justice. ?
Ayon kay Atty. Jose Mejia, tanging ang Korte Suprema lang ang may karapatang pumigil sa kanilang botohan para sa short list na isusumite kay Pangulong Noynoy Aquino.
Una nang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na dalawa dapat ang kinatawan ng Kongreso sa JBC dahil sa bicameral nature nito.
Samantala, sa Martes pa nakatakdang talakayin ng SC en banc ang motion for recommendation (MR) ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa ruling ng Korte na isa lang ang kinatawan ng Kongreso sa JBC.
Paglabag naman sa Konstitusyon ang nakikita ni dating Solicitor General Frank Chavez sa desisyon ng Kongreso na huwag nang makisali sa botohan ng JBC para sa isusumiteng shortlist ng mga nominado sa pagka-punong mahistrado.