^

Bansa

Botohan ng JBC sa Lunes

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Tiniyak ng Judicial and Bar Council (JBC) na itutuloy nila sa Lunes ang botohan para sa pagba­langkas ng 20 nominado para maging susunod na chief justice. ?

Ayon kay Atty. Jose Mejia, tanging ang Korte Suprema lang ang may karapatang pumigil sa kanilang botohan para sa short list na isusumite kay Pangulong Noynoy Aquino.

Una nang sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na dalawa dapat ang kinatawan ng Kongreso sa JBC dahil sa bicameral nature nito.

Samantala, sa Martes pa nakatakdang talakayin ng SC en banc ang motion for recommendation (MR) ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa ruling ng Korte na isa lang ang kinatawan ng Kongreso sa JBC.

Paglabag naman sa Konstitusyon ang nakikita  ni dating Solicitor General Frank Chavez sa desisyon ng Kongreso na huwag nang makisali sa botohan ng JBC para sa isusumiteng shortlist ng mga nominado sa pagka-punong mahistrado.

AYON

JOSE MEJIA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

KONGRESO

KONSTITUSYON

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SOLICITOR GENERAL FRANK CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with