Rep. Villar binati ang INC sa ika-98 anibersaryo
Manila, Philippines - Nakiisa si Las Piñas Rep. Mark Villar sa pagbati sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagdiriwang nito ng ika-98 taong anibersaryo kung saan ay kinilala din ng mambabatas ang iba’t ibang proyekto nito na hindi lamang ang kanilang miyembro ang nakinabang kundi ang buong bansa.
“Hinahangad ko na ang kasalukuyang pamunuan ng Iglesia sa pamumuno ni Kapatid Eduardo Manalo ay magpatuloy sa pagpapalawak ng paghahatid ng magandang balita at ng pagpapatupad ng makabuluhang proyekto na kapakipakinabang sa mga Kapatid, sa bawat Filipino at sa bansang Pilipinas,” wika pa ni Rep. Villar.
May mga outreach program sa larangan ng edukasyon, youth development, family counseling at community assistance ang INC. Kinilala naman bilang INC Day ang July 27 sa ilalim ng RA 9645.
“This year’s celebration is in preparing for INC’s centennial in 2014. INC was established by Ka Felix Manalo as its first executive minister on July 14, 1914,” wika pa ni Villar.
Nang pumanaw si Ka Felix noong April 12, 1963 ay ang anak nitong si Ka Erano Manalo ang pumalit hanggang sa pumanaw ito noong Agosto 31, 2009 at ang humalili dito ay si Ka Eduardo Manalo bilang INC executive minister.
“Ang mabubuting gawain ng Iglesia ay makikita sa hitik na bunga ng kanyang mga sugo na matatagpuan saan mang dako ng mundo,” giit pa ni Villar.
“Kaisa n’yo rin po ako sa pagdarasal para sa matagumpay na pagdiriwang ng ika-100 taon ng Iglesia ni Cristo sa 2014 na siyang dakilang araw para sa lahat. Mabuhay ang Iglesia ni Kristo,” wika pa ng mambabatas.
- Latest
- Trending