Pinagtibay ni PNoy, FPJ national artist na!
Manila, Philippines - Pinagtibay ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkakadeklara kay Fernando Poe Jr. o Ronald Allan Poe bilang national artist noon pang 2006.
Una nang ibinigay ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nasabing parangal kay FPJ noong May 23, 2006 pero tinanggihan ng kanyang pamilya dahil sa pulitika.
Nagkalaban sa 2004 presidential elections sina FPJ at GMA kung saan ay natalo ang action king.
Inakusahan naman si GMA ng pandaraya ng mismong biyuda ni “Da King” na si Ms. Susan Roces.
“You stolen the presidency not once, but twice,” ang tinuran ni Ms. Susan Roces patungkol kay GMA.
Batay sa Proclamation 435, kinumpirma nito ang pagkakalabas ng Proclamation 1069 para sa posthumous award kay FPJ.
Ang pinakahuling proklamasyon ay pinirmahan ni Pangulong Aquino nitong July 20 at inaasahan ang seremonya matapos pumayag ang pamilya ‘Da King’ na tanggapin ang parangal.
- Latest
- Trending