^

Bansa

Dahil sa tinapyas na P5-B, Brillantes magbibitiw!

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbanta si Comission on Elections (Come­lec) Chairman Sixto Brillantes Jr., na magbibitiw siya sa pwesto kapag hindi na­ibigay ang umano’y tinapyas na P5 bilyong pondo ng komisyon.

Ayon kay Brillantes, mahalaga ang nabanggit na pondo upang matuloy ang automated elections sa 2013.

“Magre-resign ako da­hil tinanggalan ako ng P5 billion. Kung walang P5 billion, e de sa inyo na lang, kayo na lang magpatakbo ng eleksyon,” aniya.

Ayon kay Brillantes, ayaw na niyang bumalik sa mano-manong elek­­syon dahil mahabang pa­nahon nila itong pinag-aralan at pinaghandaan.

“Hindi ko naman pwedeng abonohan yung P5 billion dahil kailangan namin for the automated elections at kung manual naman, ayoko na, 25 years na akong nagpa-practice ng manual, ayoko nang magpatakbo ng manual elections,” paliwanag niya.

Giit ni Brillantes, ipi­naglaban ng Comelec sa Korte Suprema ang pagbili ng kontrober­syal na precint count optic scan (PCOS) ma­chines at kalauna’y pinaboran sila nito kaya’t marapat lang ding ituloy ang auto­mated elections.

AYON

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

COMELEC

COMISSION

GIIT

KORTE SUPREMA

MAGRE

NAGBANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with