Hindi pa makakadalo sa sesyon ng Kamara si GMA

MANILA, Philippines - Malabo pa ring maka­pagtrabaho at makadalo ng sesyon sa kamara hanggang sa susunod na linggo ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo kahit na nakalaya na ito at nakauwi sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.

Sa isang mensahe na ipinadala ng tagapagsalita ni Arroyo na si Elena Bautista-Horn, sinabi nito na sasamantalahin muna ng dating pangulo ang panahon para sa kaniyang pamilya na matagal rin nitong hindi nakapiling matapos ma-hospital arrest sa VMMC.

Bukod dito, kahit ligtas na sa panganib, nanga­ngailangan pa rin umano si GMA ng close medical attention.

Sinabi ni Horn, bukas ng umaga ay magtutungo sa Tagaytay ang dating Pangulo para sa kanyang alternative medicine.

Sa Lunes, sasailalim naman ito sa physical therapy session sa VMMC na ginagawa apat na beses isang linggo.

Show comments