^

Bansa

GMA hindi pa tiyak na hindi ulit makukulong

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inihayag ni Senator Francis “Chiz” Escudero na hindi pa sigurado na hindi na muling makukulong ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo dahil naman sa kasong plunder na nakasampa sa Sandiganbayan.

Ayon kay Escudero, posibleng makulong muli si Arroyo sa sandaling magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan.

Pero aminado si Escudero na hangga’t wala pang bagong warrant of arrest si Arroyo ay walang dahilan upang ikulong ito.

Inamin din ng senador na ikinagulat niya ang pagpapahintulot ng korte na makapag-piyansa si Arroyo.     

Ayon naman kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, ang pagpayag ng korte na makapag-piyansa ang da­ting Pangulo ay nagpapakita na mahina ang kasong electoral sabotage na isinampa laban dito.

Dapat umanong maging aral sa Department of Justice at Commission on Elections (Comelec) ang pangyayari na hindi sila makakapaghain ng isang malakas na kaso sa pamamagitan ng press release at media interviews.

AYON

CHIZ

COMELEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

PAMPANGA CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULO

SANDIGANBAYAN

SENATOR FRANCIS

SENATOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with