Traditional, modern treatment sagot sa kanser
Guangzhou, China -- Tiniyak ng BOAI medical group of companies na may pag-asa nang gumaling ang mga may sakit na kanser dahil sa traditional medicine at makabagong pamamaraan ng treatment nito.
Ipinakita ng mga doctor ang kanilang pamamaraan ng treatment laban sa iba’t ibang uri ng kanser kung saan inaasahang ipakikilala ito sa Pilipinas sa taong 2014 o 2015.
Ayon kay BOAI chairman Lin Cheng, nakilala na nila sina Vice-President Jejomar Binay at Manila Mayor Alfredo Lim upang tulungan ang mga Filipino na may sakit na kanser sa pamamagitan ng traditional Chinese at western method.
Napag-alaman kay Cheng na umaabot na sa 113 medical institutions ang kanila nang naipatayo sa China at isa dito ang Modern Cancer Hospital na prayoridad ay pagsugpo sa tumor gamit ang modernong kagamitan at hindi ramdam ang sakit.
Sinabi ni Cheng na napatunayan nang epektibo ang pamamaraan ng pagsugpo sa tumor kumpara sa dati kung saan nakakalbo at nasusuka ang mga may kanser habang sumasailalim sa treatment.
Paliwanag ni Cheng, pangunahin layunin ng kanilang grupo ang pagbibigay ng pagmamahal sa kapwa kung saan pagpapabuti ng kanilang pamumuhay matapos na makipaglaban sa kanser.
- Latest
- Trending