^

Bansa

Uling sa Harbor Center sisilipin ng Kamara

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nararapat lang silipin ang mga nagaganap na “kalokohan” sa Harbor Center sa Manila dahil la­bis-labis na panganib umano ang nakaamba sa mga komunidad na nakapaligid dito pati na ang karagatan ng Manila Bay kung saan ay naka­tambak ang gabundok na mga uling o coal.

Sinulatan na ni Ag­ham party list Rep. Angelo Palmones ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng DENR, DILG, SC, DOE, at iba pa para magsa­gawa ng mga ka­ukulang pagsisiyasat.

Pinangangambahan na baka magkaroon ng pagsabog at sunog dahil ang coal ay isang highly combustible substance. Kinatatakutan ding luma­ganap ang sakit sa baga at respiratory system dahil sa ashfly galing sa uling na sumasama sa hangin.

Nararapat ding mas­i­lip ang aspeto ng tamang pagbabayad ng buwis, ang sabi naman ng ilang environmental groups.

Lupa raw kasi ng gob­yerno, sa ngalan ng Home Guaranty Corporation (HGC), ang pinagtambakan ng uling at iron ore.

Una ng sinabi ni Palmones na ang pagta­tambak ng basura sa kapaligiran ng Manila Bay, tulad ng Harbor Center, ay sumasalungat sa writ of continuing mandamus ng Korte Suprema na inilabas para pangalagaan ang yamang dagat ng Manila Bay, ngunit ito ay nasalaula lamang ng nasabing tambakan ng uling.

ANGELO PALMONES

HARBOR CENTER

HOME GUARANTY CORPORATION

KINATATAKUTAN

KORTE SUPREMA

LUPA

MANILA BAY

NARARAPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with