^

Bansa

Welfare officer naglalaro ng solitaire sa trabaho

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang welfare officer ng Overseas Workers Welfare­ Administration (OWWA) ang inireklamo ng isang OFW dahil sa umano’y kapabayaan sa tung­kulin at paglalaro ng online solitaire habang nasa oras ng trabaho sa Saudi Arabia.

Sa sinumpaang salaysay ni Ronald Detanoy, na may petsang Hulyo 21, 2012 ng OFW, sa kabila ng makailang-ulit na paghingi umano niya ng assistance kay OWWA welfare officer Anuar Ali Ampang ay bi­nabalewala ito at mas tinututukan pa ang paglalaro ng online card game na solitaire. 

“Sya ang palaging nagsasabi ano ang gagawin sa kaso ko samantalang ako ang complainant, ako ang nagtatanong kung ano ang dapat gawin. Sa madaling salita, hindi nya din alam ang gagawin,”ayon sa sworn affidavit ni Detanoy.

Sinabi ni Detanoy na habang nag-uusap sila ni Ampang, naglalaro ang huli ng solitaire sa kanyang computer at nagtataas ng boses matapos na igiit ng una na asikasuhin ang kanyang kaso.

Tatlong testigo na kapwa OFWs na sina Peter Salvador Esguerra, Joel Marquez at Christopher Yatar, ang nagpatunay sa salaysay at alegasyon ni Detanoy laban sa nasabing OWWA welfare officer. 

Handa naman ang Migrante-ME na bigyan ng assistance si Detanoy at kanyang pamilya sa paghahain ng kasong administratibo at kriminal sa Manila laban kay Ampang.

AMPANG

ANUAR ALI AMPANG

CHRISTOPHER YATAR

DETANOY

HANDA

JOEL MARQUEZ

OVERSEAS WORKERS WELFARE

PETER SALVADOR ESGUERRA

RONALD DETANOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with