^

Bansa

Signal No. 1 sa 11 lugar kay 'Ferdie'

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuluyan nang na­ging bagyo ang active low pressure area na nagdudulot ng matinding pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa latest monitoring ng PAGASA, ganap na alas-4 ng hapon kahapon, si bagyong “Ferdie” ay hu­ling namataan sa layong 130 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Tinatahak nito ang pangkalahatang direk­syon patungong kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Bunsod nito, nakataas na ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Batanes Group of Island, Kalinga, Apayao, Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Mt. Province.

Ayon sa PAGASA, kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, mahahagip nito ang Extreme Northern Luzon.

Patuloy namang pina­pa­yuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar at paanan ng bundok na nasa ilalim ng signal number 1 na ma­ging alerto at mapagmasid sa paligid sa posibleng banta ng flashfloods at landslides.

Si Tropical Depression “Ferdie” ay pinag-iibayo ng Southwest Monsoon kaya’t maulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao kasama na ang Metro Manila.

BABUYAN GROUP OF ISLAND

BATANES GROUP OF ISLAND

CALAYAN GROUP OF ISLAND

EXTREME NORTHERN LUZON

FERDIE

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

METRO MANILA

MT. PROVINCE

SI TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with