^

Bansa

Scarborough 'wag banggitin sa SONA

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kung si Senate President Juan Ponce Enrile ang tatanungin, hindi na umano dapat pang banggitin ni Pangulong Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang tungkol sa isyu ng Scarborough Shoal.

Ayon kay Enrile, bagaman at hindi niya tiyak kung babanggitin pa ng Pangulo ang sigalot ng Pilipinas at China dapat aniya ay ipaubaya na lamang ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Bagaman at sinasabing sobra na ang ginagawang pambu-bully ng China, aminado si Enrile na walang panlaban ang gobyerno sa nasabing bansa.

“Wala naman tayong panlaban sa Tsina… Pa­lakasin natin ang Sandatahang Lakas. Bumili tayo ng mga eroplano, submarine, kanyon at mga missiles,” sabi pa ni Enrile.

Dahil mas malakas aniya ang militar ng China kumpara sa Pilipinas, dapat ay dalhin na lamang ang isyu sa International Court of Justice.

Idinagdag pa ni Enrile na hindi na kailangan pang ibalik sa bansa ang base militar ng Amerika para maging panangga sa China dahil magagalit naman umano ang mga “super nationalist”.

vuukle comment

AMERIKA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENRILE

INTERNATIONAL COURT OF JUSTICE

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

SANDATAHANG LAKAS

SCARBOROUGH SHOAL

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with