Mga iskul mangangalembang sa dagdag sahod ng teachers
MANILA, Philippines - Bilang pagkalampag sa pamahalaan sa hirit na dagdag sahod para sa mga guro, sabay-sabay na patutunugin ang mga bell sa iba’t ibang eskuwelahan sa bansa ngayong araw ng Biyernes.
Tinawag ni Act teach- er party list Rep. Antonio Tinio na “school bell ringing day for salary up grading” ang sabay-sabay na pagpapatunog ng mga bell sa loob ng 11-minuto bilang simbolo ng matagal nang apela ng mga pampublikong guro na i-angat sa salary grade 11 o P18,549 sa salary grade 15 o P24,887 ang kanilang buwanang sahod.
Ang panawagang taas-sahod ay nakasaad sa House bills 2142 at 4523 samantalang naka-binbin din sa Kamara ang House bill 3746 na nag-dagdag ng P6,000 kada buwang sahod ng mga guro.
Ayon kay Tinio, makikibahagi sa mga aktibidad ang mga guro, principals at iba pang opisyal mula sa mga paaralan sa Quezon City, Mandaluyong, Pasig, Caloocan at Maynila gayun-din sa mga lalawigan ng Pangasinan, Cebu, Ne gros, Pa nay, Iloilo at Davao.
Giit ng mambabatas na ang mas malakas na tunog ay mas mainam umano upang marinig ni Pangulong Noynoy Aquino ang hinaing ng mga guro.
- Latest
- Trending