^

Bansa

Phl sports isama sa SONA

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dapat na talakayin din ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang patungkol sa kalagayan ng Philippine sports.

Ayon kay PBA party list Rep. Mark Sambar, vice-chairman ng House Committee on Youth and Sports, ang mga kilalang leaders at atleta kabilang na dito ang mga nagnanais na maging world class sportsmen ay nagnanais na maputol ang tradisyon tuwing SONA na hindi isinasama ang isyu ng palakasan o sports. Ito ay dahil sa karamihan umano sa mga naging pangulo ng bansa ay basta na lamang nila­laktawan ang sports development sa kanilang SONA kayat nagkakaroon ng impresyon na ang sports ay hindi mahalagang bahagi ng pag-asenso ng Pilipinas.

Giit ni Sambar, hindi tayo makakaasa mula sa mga atleta kung ang mga lider mismo ay binabalewala ang realidad na ang palakasan o sports ay kritikal na bahagi ng pagtatatag ng bansa bagamat malayo umano ito sa usapin ng kagutuman subalit isa rin naman itong pagkakakilanlan ng bansa at malapit sa puso ng mga Filipino.

Puna ni Sambar sa mensahe ni Pangulong Aquino sa Philippine contingent na magtutungo sa London Olympics umaasa ito na ang mga atleta ay mag-uuwi ng mga gintong medalya subalit mas advisable umano para sa Pangulo na sorpresahin ang Philippine sports sa pamamagitan ng pagtalakay sa kondisyon ng lokal na palakasan sa kanyang SONA habang hinihintay nito ang resulta ng Olympics.

Idinagdag pa nito na bukod sa professional boxers tulad ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao at dragon boat competitors, ang Philippine sports ay nakakaranas ng tagtuyot mula sa world class athletes kung saan siyam lamang na medalya ang nakuha ng bansa simula ng sumali sa Olympics noong 1928. (

HOUSE COMMITTEE

LONDON OLYMPICS

MARK SAMBAR

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SARANGANI REP

SPORTS

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with