^

Bansa

Eastwest may Great Bank Fun Run

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang EastWest, isa sa fastest-growing banks sa bansa sa kasalukuyan kasama ang Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) ay maglulunsad ng kauna-unahang fun run para sa banking community. Ang event ay nakatakda sa July 22, 2012 sa Filinvest City, Alabang.

Tinawag na “The Great Bank Fun Run,” ang event ay bukas sa lahat ng running enthusiasts. Ang bulto ng kikitain nito ay mapupunta sa Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) Banking on your Future – BMAP Kiddie Account Program para tumulong sa pag-promote  ng savings consciousness sa mga schoolchildren. Ang ilang bahagi ng kikitain ay gagamitin naman sa pag-promote ng Banking Code,  BMAP National Convention at iba pang financial advocacies para sa taong kasalukuyan.

Inilunsad ng nakaraang taon, ang Banking on your Future – Kiddie Account Program ay krusada ng BMAP para hikayatin ang mga batang may edad na  12-anyos pababa na maging habit ang pag-iimpok ng pera sa pamamagitan ng easy and affordable access sa mga deposit facilities ng 11 BMAP member banks, kung saan ang EastWest ay kabilang.

May naghihintay naman na special comme­morative items para sa mga makakatapos sa race. Bukod dito, may exciting raffle draw para sa mga participants kung saan mamimigay ng plane tickets, gift certificates at iba pa.

Lahat ng mga inte­resado ay maaaring magparehistro sa anim na branches ng EastWest: Ayala – Main, Binondo, Tomas Morato, Westgate – Alabang, Burgos Circle – Bonifacio Global City at Festival Mall 1. Maaari ring mag-register sa lahat ng Runner and Toby’s outlets.

ALABANG

BANGKO SENTRAL

BANK MARKETING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BANKING CODE

BONIFACIO GLOBAL CITY

BURGOS CIRCLE

FESTIVAL MALL

FILINVEST CITY

GREAT BANK FUN RUN

KIDDIE ACCOUNT PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with