CGMA malabong mapatalsik sa Kamara

MANILA, Philippines - Sa kabila ng panibagong kasong kinakaharap, malabo pa rin umanong mapatalsik bilang kongresista si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit may mga kaso pa itong nakasampa laban sa kanya.

Paliwanag ni House Majority leader Neptali Gonzales II, kahit may panibagong kasong plunder na inihain sa Sandiganbayan at electoral sabotage ay wala pa naman umanong pinal na hatol ang korte laban dito.

Wala rin umanong hurisdiksyon ang House Ethics Committee kay GMA dahil ang mga isinampang kaso laban sa kanya ay sinasabing naganap noong hindi pa ito kongresista ng Pampanga.

Hindi rin umano maaaring ikumpara ang kaso ni GMA kay dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo na pinatalsik sa Kamara dahil kasama sa final judgement ang maalis ito at hindi na payagang muling humawak ng anumang government o public office.

Sa katunayan umano ay maaari pang tumakbo si Arroyo sa ikalawang termino nito at walang makakapigil sa kanya sa Kamara.

Show comments