MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan na rin ni Manila Rep. Ma. Theresa Bonoan-David sa Kamara ang walang tigil na pagtataas ng singil sa kuryente at ang patuloy na petition ng mga power providers para magtaas ng singil ng kuryente.
Nakasaad sa inihaing resolusyon ni Bonoan-David, na siya ring vice-chairman ng House committee on Globalization, dapat na imbestigahan at alamin ng Kamara kung makatwiran pa ang serye ng petition ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation, Meralco at National Grid Corporation of the Philippines.
Ayon sa mambabatas, ang nakaambang sunud-sunod na power rate hike ay hindi lamang dagdag pabigat sa mga ordinaryong power consumers kundi maging sa iba’t ibang negosyo na rin.
Sigurado umano na magtataboy ito ng mamumuhunan dahil magastos ang operasyon ng negosyo sa bansa dahl sa laki ng singil sa kuryente.
Sa halip, ang Pilipinas pa ang may pinakamataas na power rate sa buong mundo sa kabila ng mahigit sa isang dekadang implementasyon ng Epira law.