^

Bansa

Ombudsman nagtalaga ng Environmental team

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - May personal nang tututok sa mga kasong naisampa sa tanggapan ng Ombudsman na may kinalaman sa paglabag sa batas para sa panga­ngalaga sa pangkalikasan at kapalirigan.

Ito’y makaraang italaga ni Ombusman Conchita Carpio-Morales si deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosqueda bilang bagong Environmental Ombudsman.

Sa ipinalabas na kautusan ni Morales, itinalaga din nito si Atty. Raquel Rosario Marayag bilang Asst. Environmental Ombudsman.

Maliban sa dalawang nabanggit na opisyal, 26 na abogado pa ng anti-graft body ang magsisilbing imbestigador at prosecutor ng Environmental team ng tanggapan.

Hahawakan ng team na ito ang lahat ng kaso na may kaugnayan sa paglabag sa batas para sa pangangalaga sa pangkalikasan na maihahain sa tanggapan ng Ombudsman.

Inatasan na ni Morales si Mosqueda na imbentaryuhin ang lahat ng hawak nilang ganitong kaso para mamonitor ang maayos na paglilitis. 

vuukle comment

ENVIRONMENTAL OMBUDSMAN

HAHAWAKAN

INATASAN

LUZON GERARD MOSQUEDA

MALIBAN

MOSQUEDA

OMBUDSMAN

OMBUSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

RAQUEL ROSARIO MARAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with