Kabataang Pinoy hinihimok maging global entrepreneur sa FedEx program

MANILA, Philippines - Maraming kabataang Pilipino ang muling na­big­yan ng inspirasyon para maging susunod na he­ne­rasyon ng mga global entrepreneurs matapos dumalo sa FedEx Express/Junior Achievement International Trade Challenge (ITC) program kamakailan.

Sponsored ng Fed­Ex Epress, subsidiary ng FedEx Corp. na pina­ka­ma­ laking express trans­portation company sa mundo, at binuo ng Junior Achievement (JA) Philippines, ang 2012 ITC program ay binuksan ng International Trade Se­minar na ginanap sa Tres­ton International College. 240 na secondary school students mula sa 20 paaralan ang nakinabang. Ang tatlong pinakamagagaling na teams ay magkakaroon ng pagkakataon na ma-ging kinatawan ng Pilipinas sa regional finals na gaganapin sa Hong Kong mula sa August 26-29. Sila ay makikipagtagisan sa mga mag-aaral mula sa Hong Kong, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, at Viet­­nam.                                                                                                            

Ayon kay Rhicke Jennings, FedEx Express Ma­naging Director for the Philippines and Indonesia, ‘‘Kami ay naniniwala na ang pang-unawa ng mga kabataan sa business and trade sa globalized na mundo ay mahalaga sa tagumpay ng bansa at ng rehiyon. Sa pamamagitan ng FedEx/Junior Achievement International Trade Challenge.

Show comments