Kabataang Pinoy hinihimok maging global entrepreneur sa FedEx program
MANILA, Philippines - Maraming kabataang Pilipino ang muling nabigyan ng inspirasyon para maging susunod na henerasyon ng mga global entrepreneurs matapos dumalo sa FedEx Express/Junior Achievement International Trade Challenge (ITC) program kamakailan.
Sponsored ng FedEx Epress, subsidiary ng FedEx Corp. na pinakama laking express transportation company sa mundo, at binuo ng Junior Achievement (JA) Philippines, ang 2012 ITC program ay binuksan ng International Trade Seminar na ginanap sa Treston International College. 240 na secondary school students mula sa 20 paaralan ang nakinabang. Ang tatlong pinakamagagaling na teams ay magkakaroon ng pagkakataon na ma-ging kinatawan ng Pilipinas sa regional finals na gaganapin sa Hong Kong mula sa August 26-29. Sila ay makikipagtagisan sa mga mag-aaral mula sa Hong Kong, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Ayon kay Rhicke Jennings, FedEx Express Managing Director for the Philippines and Indonesia, ‘‘Kami ay naniniwala na ang pang-unawa ng mga kabataan sa business and trade sa globalized na mundo ay mahalaga sa tagumpay ng bansa at ng rehiyon. Sa pamamagitan ng FedEx/Junior Achievement International Trade Challenge.
- Latest
- Trending