MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng mga dating empleyado ng nagsarang Pantranco North Express, Inc., isa sa dating pinakamalaking bus companies sa bansa, ang alegasyon ng ilang bus operators na kanselado na ang prangkisa ng Pantranco at hindi na maaring gamitin pa sa pag-operate ng mga bus.
Sinabi nina union presidents Romy Alfonso ng Pan tranco Retrenched Em ployees Association (PANREA) at Jun Pascua ng Pantranco Employees Association (PEA), tiniyak sa kanila ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na ang dating iniutos nito ay ang pagrebyu lamang ng franchise status at hindi kanselasyon ng prangkisa.
Ang katiyakan anila, ay ibinigay mismo ni Undersecretary for Planning and Operations Rafael San tos sa miting kasama ang mga kinatawan ng unyon noong Miyerkules sa tanggapan ng DOTC. Anila, itinanggi ni Santos na may utos umano si DOTC Sec. Mar Roxas na kanselahin na ang prangkisa.
Nais lamang daw malaman ni Roxas kung la hat ay nasa ayos pagdating sa pagbuhay sa prangkisa ng Pantranco. “Hindi naman kina-cancel ang prangkisa, kundi pinare-review lang ni Sec. Roxas,” ito umano ang sinabi ni Santos sa mga lider ng unyon sa kanilang pagpupulong sa DOTC office sa Ortigas noong Miyerkules ng umaga.
Bago ang franchise sale, nagpalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsasaad na lehitimo at nasa ayos ang Pantranco franchise. Ang LTFRB ang nag-award ng naturang prangkisa sa mahigit 2,000 da-ting empleyado ng Pantranco na kinakatawan ng dalawang nabanggit na unyon bilang kapalit ng milyong pisong back wages na pagkakautang ng kumpanya sa kanila.
Ibinenta naman ito ng mga empleyado sa Hernan dez family upang makalikom ng kompensasyong nararapat sa kanila, alinsunod sa kautusan ng Supreme Court noong 1993.