^

Bansa

Pantranco franchise nirerebyu lang, hindi kanselado

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ng mga dating empleyado ng nagsarang Pantranco North Express, Inc., isa sa dating pinakamalaking bus companies sa bansa, ang alegasyon ng ilang bus ope­rators na kanselado na ang prangkisa ng Pantran­co at hindi na maaring ga­mitin pa sa pag-operate ng mga bus.

Sinabi nina union pre­­si­dents Romy Alfonso ng Pan­ tranco Retrenched Em­­­ ployees Association (PANREA) at Jun Pascua ng Pantranco Employees Association (PEA), tiniyak sa kanila ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na ang dating iniutos nito ay ang pagrebyu lamang ng franchise status at hindi kanselasyon ng prangkisa.

Ang katiyakan anila, ay ibinigay mismo ni Undersecretary for Planning and Operations Rafael San­­ tos sa miting kasama ang mga kinatawan ng unyon noong Miyerkules sa tanggapan ng DOTC. Anila, itinanggi ni Santos na may utos umano si  DOTC Sec. Mar Roxas na kanselahin na ang prangkisa.

Nais lamang daw ma­laman ni Roxas kung la­ hat ay nasa ayos pagdating sa pagbuhay sa prangkisa ng Pantranco. “Hindi naman kina-cancel ang prangkisa, kundi pinare-review lang ni Sec. Roxas,” ito umano ang sinabi ni Santos sa mga lider ng unyon sa ka­nilang pagpupulong sa DOTC office sa Ortigas noong Miyerkules ng umaga.

Bago ang franchise sale, nagpalabas na ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTF­RB) na nagsasaad na lehitimo at nasa ayos ang Pantranco franchise. Ang LTFRB ang nag-award ng naturang prangkisa sa mahigit 2,000 da-ting empleyado ng Pantranco na kinakatawan ng dalawang nabanggit na unyon bilang kapalit ng milyong pisong back wages na pagkakautang ng kumpanya sa kanila.

Ibinenta naman ito ng  mga empleyado sa Her­­nan­ dez family upang ma­­­­­ka­likom ng kompen­sasyong nararapat sa ka­nila, alinsunod sa ka­utusan ng Supreme Court noong 1993.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JUN PASCUA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAR ROXAS

MIYERKULES

OPERATIONS RAFAEL SAN

PANTRANCO

PANTRANCO EMPLOYEES ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with