^

Bansa

De Lima magkaka-'dilemma' pag naging CJ

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mahaharap sa isang ‘dilemma’ si Justice Secretary Leila de Lima kung ito ang mapipiling bagong chief justice ng Surpreme Court.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, hindi sinunod ni de Lima ang isang utos ng SC noong nakaupo pa si dating chief justice Renato Corona kaya posibleng ma­lagay sa alanganin ang kalihim.

Inamin ni Santiago na tumaas ang kaniyang kilay ng tahasang suwayin ni de Lima ang temporary restraining order (TRO) ng SC kaugnay sa kahilingan ni dating Pangulong Gloria Arroyo noon na makalabas ng bansa.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang naging paliwanag ni de Lima na hindi kaagad niya nakuha ang TRO na puwedeng maging rason para makuwestiyon ito.

Kung magiging chief justice si de Lima, magi­ging problema umano nito kung may susuway sa kaniyang ipalalabas na TRO dahil sa ginawa niyang pagsuway sa SC.

AYON

JUSTICE

JUSTICE SECRETARY LEILA

LIMA

MAHAHARAP

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG GLORIA ARROYO

RENATO CORONA

SURPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with