MANILA, Philippines - Pansamantalang naantala ang trabaho sa Kamara ng biglang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng South Wing ng Batasan complex kung saan matatagpuan ang tanggapan ng ilang kongresista.
Ayon kay House Secretary General Marilyn Barua-Yap,dakong alas-9 ng umaga biglang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag matapos na pagmulan ng sunog ang electrical ng elevator.
Dahil dito kayat kaagad na naglabasan ng gusali ang mga empleyado kasabay na rin ng pagputol ng power supply ng buong building.
Mabilis namang nakaresponde ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection at naapula ang apoy makalipas lang ang ilang minuto.
Kaagad namang ipinag-utos ni House Speker Feliciano Belmonte na mag-inspeksyon sa lahat ng electrical connection sa south wing upang hindi na maulit ang nasabing insidente.
Paliwanag naman ni Yap, nangyayari ang power tripping dahil na rin sa masyado nang luma ang mga electrical apparatus dito. (Gemma Garcia/Butch Quejada)