Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng summary execution ang isang lalaking tadtad ng  tattoo matapos matagpuan ang bangkay nito sa isang bangketa sa Navotas City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima dahil sa tattoo nito sa kanang dibdib na si Jerry Salvador

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00  ng umaga nang makita ang bangkay sa bangketa sa kahabaan R-10,  Brgy. North Bay Boulevard South ng nabanggit na  lungsod.

Nabatid na nakagapos ang mga kamay ng biktima at napupuluputan ng lubid ang leeg habang may saksak sa dibdib na dinala na sa Eusebio Funeral Homes.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

Show comments