MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lumabas na artikulo sa isang pahayagan sa Estados Unidos kaugnay ng isinagawa umanong ‘drone strike’ ng US forces sa Sulu na ang target ay ang lider ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Umar Patek noong 2006.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., walang katotohanan ang nailathalang balita sa New York Times na isinulat ng reporter na si Mark Mazzeti.
Nilinaw ni Burgos na hindi pinahihintulutan sa ilalim ng batas ang direktang partisipasyon ng foreign military forces maging ito man ay mula sa Amerika na kaalyado ng Pilipinas kontra terorismo.
“The United States does not participate in (actual) military operations here in the Phils, that’s against the law”, paliwanag pa ni Burgos na aminado namang nagkaroon lamang ng ‘sharing of information” ang US at tropang Pinoy sa Mindanao.