700 'mobile teachers' bibigyan lang ng allowance
MANILA, Philippines - Buwanang “allowance” lamang ang matatanggap ng higit sa 700 kukuning “mobile teachers” ng Department of Education (DepEd) sa kanilang programang Alternative Learning System (ALS)”.
Bukod pa dito, mas pinahigpit pa ng DepEd ang mga panuntunan at criteria sa pagpili at pagkuha ng mga “mobile teachers” na susuong sa ibang klaseng sakripisyo sa pagtuturo sa labas ng paaralan, sa mga palengke, kulungan, at maging sa mga kabundukan.
“An ALS volunteer receives a monthly stipend of P5,000 and a transportation allowance of 2,000 plus a provision of P5,000 for teaching aids,” ayon sa DepEd.
Lahat ng papasang ALS volunteer teacher ay magkakaroon ng kontrata na tatagal lamang ng 10 buwan na mariin namang binatikos ng grupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil nagmumukha umanong kawawa ang mga guro sa bansa.
- Latest
- Trending